Nagkaloob ang Department of Social Welfare and Development-NCR ng livelihood assistance sa 660 na pamilya sa Quezon City.
Ayon sa DSWD, bawat kwalipikadong pamilya ay nakatanggap ng P20,000 livelihood settlement grant (LSG) mula sa DSWD sa ilalim ng programang Sustainable Livelihood Program.
Maaaring gamitin ito bilang dagdag-puhunan o panimulang puhunan upang maibangon muli ang kanilang mga kabuhayan na lubos na naapektuhan ng nakaraang bagyo.
Sumailalim din ang mga benepisyaryo sa financial literacy training upang matulungan sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo.
Tiniyak naman ng DSWD na dumaan sa masusing validation ang mga pamilyang napabilang sa livelihood settlement grant katuwang ang Quezon City Social Services Development Department.
Ang Sustainable Livelihood Program (SLP) ay isang capability-building program ng DSWD na naglalayong maitaas ang antas ng pamumuhay ng mga mahihirap na Pilipino. | ulat ni Merry Ann Bastasa