Nakatakdang makibahagi ang mga miyembro ng Kamara sa gaganaping 10th Parliamentary Intelligence-Security Forum (PISF) sa Estados Unidos.
Pangungunahan nina Deputy Speakers Tonypet Albano at Raymond Democrito Mendoza ang delegasyon para sa nangungunang international security forum na idaraos mula December 4 hanggang 5.
Nilalayon ng pulong na ito na mapalawak ang pag unawa sa global threats at makabuo ng mga hakbang para labanan ang mga banta na ito.
Ayon kay HRep Inter-Parliamentary and Public Affairs Department (IPAD) Deputy Secretary General Grace Andres ito na ang ikatlong beses ngayong 19th Congress na naimbitahan ang Kamara sa taunang PISF.
Sa susunod na taon, ang Pilipinas naman aniya ang magsisilbing host ng pagtitipon na gaganapin sa February 3 hanggang 4.
“The annual PISF is a vital platform bringing together policymakers, experts, and practitioners to share insights, address challenges, and collaborate strategies that enhance our collective security, (and) more so, with the assumption of a new administration in the US by President Trump in January 2025.” sabi ni Andres.
Binigyang diin naman ni Albano ang kahalagahan ng PISF sa pagpapanatili ng regional order lalo na aniya sa gitna ng isyu sa West Philippine Sea.
“We really need to build and ramp up the alliance between our two countries and all countries that are in line with our efforts to bring regional security here in the West Philippine Sea. I’m more determined to be part of this delegation as it not only concerns the national security of the Philippines but the security of our regional area as well,” giit ni Albano. | ulat ni Kathleen Forbes