School principal, nahuli sa buy-bust operation ng PDEA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nahuli na ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang isang school principal na sangkot sa illegal drug activities sa Palawan.

Sa ulat ng PDEA, dinakip si Alyas “Christoph”, 42 taong gulang, isang government employee sa isinagawang buy bust operation kahapon sa barangay Alfonso XIII, Quezon, Palawan.

Kabilang din si Alyas Christoph sa high value target ng PDEA.

Nakumpiska mula sa kanya ang iligal na droga na nagkakahalaga ng P4,828.

Nasa kustodiya na ng PDEA ang school principal habang inihahanda ang kaso laban sa kanya, dahil sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us