Matatanggap ngayong araw ng mahigit 100 libong kuwalipikadong pulis ang kanilang Combat Incentive Pay at Combat Duty Pay para sa buwan ng Oktubre ngayong taon.
Base sa abiso mula sa PNP Finance Service, aabot sa 164,257 na mga Pulis ang makatatanggap ng kanilang CDP habang nasa
116, 618 na mga pulis ang makakatanggap ng kanilang CIP.
Nabatid na nakakatanggap ng fixed rate na 3, 000 pesos na CDP ang mga kuwalipikadong Pulis habang ang daily CIP naman ng mga ito ay 300 pesos.
Ang CIP ay dagdag na base pay para sa mga Pulis na aktibo sa mga counter-insurgency operation, habang ang CDP naman ay special allowance para sa mga pulis na kabilang sa Actual Police Operations.
Bukod dito, ayon pa sa PNP Finance Service, matatanggap din ang 212, 915 na mga pulis ang kanilang rice subsidya para sa nasabing buwan. | ulat ni Jaymark Dagala