Aabot na sa P4.39-M halaga ng naipaabot na relief aid ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga lugar na naapektuhan ng pagalburoto ng Mt. Kanlaon sa Negros Island.
Ayon kay DSWD Spokesperson Asec. Irene Dumlao, bukod sa mga naunang food packs na naakpreposisyon sa Region 6 at 7 ay tuloy tuloy na nagpapadala ang kagawaran ng mga family food pack sa mga apektadong komunidad.
Pinakamalaking tulong ang naipaabot sa Bago at La Carlota City sa Negros Occidental at sa mga munisipalidad ng La Castellana, Murcia, at Pontevedra na lubhang naapektuhan ng ashfall.
Sa ngayon, abala na ang mga social worker ng DSWD sa registration at profiling ng evacuees sa pamamagitan ng Family Assistance Card in Emergencies and Disasters (FACED).
Patuloy naman ang koordinasyon sa mga LGU para masigurp ang mabilis na paghahatid ng tulong sa mga apektadong residente. | ulat ni Merry Ann Bastasa