Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng Cebu Province kaugnay sa kinukwestyon nitong polisiya ng Bureau of Animal Industry (BAI) laban sa pagkalat ng African Swine Fever (ASF).
Sa desisyon ng 20th Division ng CA, sinabi nitong may mandato ang BAI na magsagawa ng mga kaukulang hakbang para hindi kumalat ang ASF.
Wala rin daw nangyaring grave abuse of discretion sa hanay ng BAI ng magsagawa ito ng culling sa mga baboy.
Noong nakaraang taon nagtungo sa CA ang Cebu Province para ipatigil ang ginagawa nitong culling o sapilitang pagpatay sa mga baboy na pasok sa kilometer danger zone na mga apektadong lugar.
Labing-tatlong Barangay sa Carcar Cebu ang idineklarang infected ng ASF kung saan sapilitang pinatay ang mga baboy para hindi kumalat ang virus.
Pero sa kaugnay na desisyon, ipinapatigil ng Court of Appeals ang culling sa BAI dahil hindi daw ito makatarungan para sa mga nag-aalaga ng baboy.
Inutusan din ng Korte ang ahensya na gumawa ng mga sapat na hakbangin para maiwasan ang culling at mapangalagaan ang kabuhayan ng mga nag-aalaga nito. | ulat ni Mike Rogas