Photo courtesy of Philippine Red Cross
Nagpadala na ang Philippine Red Cross (PRC) ng kanilang Water, Sanitation, and Hygiene o WASH Unit sa Negros Occidental para tiyakin ang suplay ng malinis na tubig sa mga komunidad na naapektuhan ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Layon ng operasyong ito na makaiwas sa pagkalat ng sakit at mapangalagaan ang kalusugan ng mga naapektuhang residente.
Ayon sa PRC, nagsagawa ang WASH Unit ng paglilinis at pagdi-disinfect ng water production area upang masiguro ang kalidad at kaligtasan ng tubig na ipamimigay sa mga evacuee.
Dalawang water tanker mula sa Bacolod at Passi Chapters ng Red Cross ang naka-standby para maghatid ng inuming tubig sa mga evacuation center at apektadong lugar. | ulat ni Diane Lear