Pinaigting na kampanya vs Private Armed Groups at Loose Firearms para sa Halalan, ipinag-utos ng PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil sa mga tauhan nito na sundin ang atas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ito’y makaraang magbaba ng direktiba ang Pangulo sa PNP na paigtingin pa ang kampanya kontra Private Armed Group at Loose Firearms ngayong darating na Halalan.

Sa isinagawang Command Conference sa Kampo Crame, sinabi ni Marbil, na layon nito na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at maibsan ang mga naitatalang karahasan.

Batay sa datos ng PNP, mula noong Enero 1 hanggang Nobyembre 30, aabot sa 8,628 indibiduwal ang kanilang naaresto dahil sa paglabag sa Firearms and Ammunitions Regulation Act.

Habang nasa 25,240 mga armas ang kanilang nakumpiska, narekober at isinuko, at may mahigit 9,000 pang mga armas ang nai-turnover para sa safekeeping. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us