Iginagalang ng Philippine National Police (PNP) ang naging desisyon ng House Quad Committee na i-cite for contempt si dating Mandaluyong City Police Chief, Police Colonel Hector Grijaldo
Ito’y matapos na makailang ulit na hindi siputin ni Grijaldo ang mga pagdinig ng naturang komite, na may kinalaman sa madugong drug war ng nakalipas na administrasyon.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief, Police Brigadier General Jean Fajardo, handa silang tumulong para mapalutang na si Grijaldo sa pagdinig ng Kamara dahil nasa kanilang restrictive custody ito.
Gayunman, hindi na nagbigay pa ng detalye si Fajardo hinggil sa kinaroroonan ni Grijaldo, at tanging tiniyak nito na tatalima sila sa inilabas na desisyon ng Quad Committee ng Kamara. | ulat ni Jaymark Dagala