Gentle Hands, binawian na ng fire safety inspection certificate

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na binawian na rin ng Bureau of Fire Protection sa Quezon City (BFP-QC)ng Fire Safety Inspection Certificate ang Gentle Hands Inc. sa Quezon City.

Ayon sa DSWD, matapos ang ipinataw na cease and desist order sa Gentle Hands ay agad itong nag-request sa BFP ng extensive fire safety inspection sa pasilidad.

Kasama kase sa ikinabahala ng kagawaran sa naturang orphanage ang kakulangan ng fire exit, na delikado para sa mahigit 100 batang kinakanlong nito.

Sa inilabas namang report ng BFP-QC, nakitaan ang Gentle Hands ng paglabag sa revised implementing rules and regulations ng Republic Act 9514 o ang Fire Code of the Philippines.

Sinabi naman ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez, na patunay lang ito na tama ang mga naging obserbasyon ni Secretary Rex Gatchalian nang magsagawa ito ng spot monitoring sa pasilidad.

Bukod sa kakulangan ng fire exit, ilan pa sa mga paglabag na nakita ng DSWD sa ampunan ang overcrowding, kawalan ng kalinisan, at kakulangan sa social worker o house parent. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us