Committed ang Philippine National Police (PNP) na kanilang itataguyod ang karapatan at kapakanan ng mga bata laban sa anumang uri ng pang-aabuso.
Ito ang tinuran ni PNP Chief, PGen. Rommel Francisco Marbil makaraang masagip nila sa mga ikinasang operasyon kontra Child Exploitation ang nasa 636 na bata kabilang na ang isang 4 na buwang gulang na sanggol.
Nangyari ito aniya sa Taguig City kung saan, naaktuhan ng mga tauhan ng PNP Women and Children Protection Center (WCPC) ang nanay nito na ibinebenta ang kaniyang sariling anak.
Ginawa ang operasyon mula nang maisabatas ang Republic Act No. 11930, also known as the Anti-Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) law, dalawang taon na ang nakalilipas.
Sa naturang bilang 375 dito ay mga babae habang 121 dito ay mga lalaki na pawang 17 taong gulang pababa at ilan sa mga ito ay tumuntong na sa hustong gulang. | ulat ni Jaymark Dagala