Pagsasaayos ng mga imprasktraktura, bahagi ng paglalaanan ng dagdag na pondo ng Kongreso sa 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn
cong

Binigyang linaw ngayon ng lider ng Kamara ang pagtaas sa pondo ng Congress of the Philippines, sa ilalim ng 2025 National Budget.

Batay sa inaprubahang bicameral conference committee report, nasa P17.3 billion ang pondo ng Kamara, habang P1.1 billion para sa Senado.

Ayon kay House Assistant Majority Leader Jude Acidre, gagamitin ang dagdag na budget na ito para sa pagsasa-ayos ng mga gusali at imprastraktura sa Batasan Complex.

Batid naman aniya ng lahat na 1980’s pa ang imprastraktura sa Batasan, at mas dumami na ang mga mambabatas.

Katunayan, kulang na rin aniya ang mga opisina at mga kwarto para sa committee hearings.

Maliban sa Kamara, tinatapos din aniya ng Senado ang pagpapatayo sa bago nitong gusali. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us