Ipinagmalaki ng Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na naibaba na nila ang congestion rate ng kanilang mga piitan.
Ayon kay Catapang, bagamat nanatiling mataas ay bumaba na ito mula sa dating 350% congested sa kasalukuyang 250%.
Dagdag ni Catapang na patuloy pang bababa ang nasabing bilang habang unti-unting nakukumpleto ang iba’t ibang pasilidad na itinatayo sa iba’t ibang operating prisons at penal farms sa buong bansa.
Kaugnay nito ay inaasahan naman ni Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta na mas maraming PDLs ang lalaya sa mga susunod na buwan bunsod ng bagong pirmang Implementing Rules and Regulations ng Revised Penal Code.
Aniya inaaral na lang ng mga concerned agency ang mga datos na hawak ng mga ito para i-determine ang bilang ng mga PDLs na makikinabang sa bagong IRR. | ulat ni Lorenz Tanjoco