House leader, nanawagan ng pagkakaisa sa pagpapanatili at pangangala ng kalikasan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Deputy Speaker Camille Villar ng pagkakaisa upang mapanatiling berde ang mundo at mapanatili ang mga nakamit para sa kalikasan.

Ginawa ni Villar ang panawagan sa ginawang pagpapasinaya ng isang pasilidad para sa electric vehicle (EV) charging sa Vista Mall, Bataan.

Kabilang ito sa kanyang adbokasiya sa pagpapanatili ng kalikasan at pangangalaga sa kapaligiran.

Ang EV charging facility ay may 40KW fast charger na donasyon ng Han Cars at isang level 2 na 7.3KW charger n amula naman sa BYD—parehong maaring gamitin nang libre ang mga ito.

Ang Vista Mall Bataan ang nagkaloob ng electrical provisions para sa pasilidad at naglagay ng charger booth, enclosure, at dedikadong parking slot.

Layunin ng inisyatibang ito na palawakin ang network ng EV charging stations sa buong probinsya, at suportahan ang programang pangkapaligiran ng 1Bataan. | ulat ni Melany Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us