Ibinunyag ng Public Attorney’s Office na totoo ang mga balitang may mga kumikidnap ng mga bata gamit ang mga van.
Sa isang pulong-balitaan, mismong si Public Attorney’s Office Chief Percida Acosta ang nagkumpirma na may mga insidente na ng pagdukot.
Walang ransom na hinihingi ang mga kidnapper pero ibinebenta daw ang lamang-loob ng mga biktima tulad ng puso, atay, kidney, at iba pa sa mga mayayaman na maysakit at nangangailangan ng mga transplant operation.
Aminado naman si Acosta na wala silang makuha na mga biktima na nais magsampa ng reklamo.
Dahil dito, umaapela sila sa Philippine National Police na magsagawa ng malalim na imbestigasyon tungkol dito at habulin ang mga sindikato na nasa likod nito. | ulat ni Mike Rogas