Kandidato sa pagka-kongresista ng 6th District ng Bulacan, tuluyan nang idineklarang nuisance candidate ng Comelec En Banc

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinagtibay na ng En Banc ng Commission on Elections (COMELEC) ang naging desisyon ng 2nd Division na ideklarang nuisance candidates ang isang Jad Racal na kandidato sa pagka-kongresista ng ika-anim na Distrito ng Bulacan.

Sa desisyon ng En Banc, wala daw naipakitang bagong ebidensya si Racal para patotohanan ang kanyang deklarasyon sa kanyang Certificate of Candidacy na ito ay lehitimong residente sa nasabing lugar.

Si Racal ay kinasuhan ng kanyang katunggali na si incumbent Representative Salvador Pleyto.

Sinabi ng COMELEC En Banc, nang maglabas ng desisyon ang 2nd Division noong November 28, 2024, hindi napatunayan ni Racal na siya ay taga-Angat, Bulacan dahil lumabas sa kanilang pagsisiyasat na ito ay isinilang sa Cavite.

Wala rin daw ang pangalan niya sa ginawang census mula 2023 hanggang 2024 bilang residente ng nasabing distrito.

Hindi rin binigyan pansin ng COMELEC ang deklarasyon niya na siya ay isang negosyante para tustusan ang kanyang kampanya.

Pero sa kanyang argumento, iginiit ni Racal na siya ay residente na sa Bulacan simula noong 2023 at nakabili na ng ari-arian doon.

Siya rin daw ang official candidate ng Partido Federal ng Pilipinas at may hawak ng party nomination.

Hindi rin daw pasok sa timeline ng COMELEC ang petisyon na inihain laban sa kanya dahil October 14 nang isampa ang kaso gayong lampas na sa five-day period mula sa huling araw ng paghahain ng kandidatura noong October 7.

Pero ang mga argument ni Racal ay ibinasura ng COMELEC at tuluyan siyang idineklara bilang nuisance candidate. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us