DA, epektibong tumugon sa mga hamon sa agri sector ngayong 2024 — Sec. Tiu-Laurel Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng mga hamon sa agricultural sector ngayong 2024, kumbinsido si Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel na mahusay pa ring natugunan ng Department of Agriculture ang mga pangangailangan sa sektor para matiyak ang food security sa bansa.

Sa panayam sa media, sinabi ng kalihim na bagamat maituturing na ‘depressing’ ang mga tumamang kalamidad sa sektor, naging maagap naman ang solusyon ng DA kabilang ang walang tigil na pagpapaabot ng tulong sa mga apektadong magsasaka at mangingisda.

Nanatili rin aniyang stable ang presyuhan ng ilang pangunahing bilihin sa merkado gaya nalang ng bigas, sibuyas, at asukal.

Ipinagmalaki rin ng kalihim ang malaking nabawas sa agricultural smuggling sa bansa dahil sa mga ipinatupad na polisiya ng DA. Katunayan, sa loob lamang ng isang taon, 10 importers na ang nasampolan at na-blacklist ng DA.

Kuntento rin ang kalihim sa naging tugon nila sa isyu ng ASF lalo na ang pagsisimula ng ASF vaccination at border control measures.

Tuloy-tuloy na rin ang pagpapasinaya ng mga rice processing systems, solar irrigation projects gayundin ang pagpapatupad nito ng Agri Puhunan at Pantawid Program.

Pagtitiyak naman ni Sec. Laurel, babawi ang kagawaran sa 2025 para muling iangat ang agri sector. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us