Nagbukas pa ng 14 na bagong warehouse ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa iba’t ibang panig ng CALABARZON.
Ayon kay DSWD Field Office CALABARZON Regional Resource Operation Section Head Jessie Jerusalem, sa pamamagitan nito mas mapabilis pa ang paghahatid ng tulong sa mga biktima ng kalamidad.
Ang mga nasabing warehouse ay magsisilbing storage facilities para sa mga prepositioned food at non-food items, bilang augmentation support sa LGUs sa panahon ng kalamidad.
Dagdag pa ng opisyal, sa 72 facilities, lima ang pag-aari at pinangangasiwaan ng DSWD habang ang 67 naman ay batay sa kasunduan at partnerships ng ahensya at LGUs.
Ang 14 na bagong bukas na satellite warehouses ay magsisilbi ding suporta sa storage facilities na pinapagana ng LGUs, kabilang na ang anim sa Cavite, 10 sa Laguna, 11 sa Batangas, 6 sa Rizal, at 34 sa Quezon province. | ulat ni Rey Ferrer