PNP, tiniyak ang buong suporta sa paglaban sa agricultural smuggling at hoarding sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang buong suporta sa pagpapatupad ng Republic Act No. 12022 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act.

Ayon kay PNP Chief Police General Rommel Francisco Marbil, handa ang PNP na makipagtulungan sa iba’t ibang ahensya upang mahuli at mapanagot ang mga sangkot sa economic sabotage.

Ani Marbil, dapat managot ang mga smuggler at hoarder sa kanilang ginagawa na sumisira sa kabuhayan ng mga magsasaka, at nagiging hadlang sa pag-abot ng food security sa bansa.

Ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., ay nagtatakda ng mahigpit na parusa laban sa smuggling, hoarding, profiteering, at cartel activities.

Kabilang ang habambuhay na pagkakakulong at multa na tatlong beses ang halaga sa mga nakumpiskang produkto. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us