BFAR, kinumpirma ang bangkay ng balyenang napadpad sa karagatan ng Bohol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources – Central Visayas (BFAR-7) ang natagpuang bangkay ng isang Balyena sa karagatang malapit sa Banacon Island, Getafe, Bohol.

Ayon sa BFAR, natagpuang palutang-lutang at wala nang buhay ang Sperm Whale na may kabuuang haba na 14.40 metro sa Banacon Island noong Lunes, December 16.

Sa paunang imbestigasyon ng Provincial Fishery Office – Bohol, Bohol Provincial Environment Management Office (BPEMO), DENR at lokal na pamahalaan ng Getafe, lumalabas na may malalaking sugat partikular sa bahagi ng tiyan ang balyena.

Gayunman, hindi itinuturing na sanhi ng pagkamatay nito ang mga sugat at posibleng nakuha na ito ng balyena habang lumulutang nang walang buhay.

Kaugnay nito, pinayuhan ng BFAR ang publiko na iwasan ang bangkay ng balyena para sa kanilang kaligtasan.

Maaari aniyang magdulot ng panganib sa kalusugan ang paghawak o paglapit sa hayop dahil ang nabubulok na katawan nito ay maaaring may taglay na mapanganib na bacteria, parasito, o iba pang pathogens.

Dagdag pa rito, maaaring magsagawa pa ng karagdagang imbestigasyon para matukoy ang tunay na sanhi ng pagkamatay. | ulat ni Merry Ann Bastasa

📸 balyena.org

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us