Arestado ng mga opisyal ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Ninoy Aquino International Airport NAIA ang isang Zambian national matapos mahulihan ng 9,276 gramo ng illegal na droga sa kanyang laggage.
Sa impormasyon natanggap ng nga otoridad, ang nasabing pasaherong kinilalang si Beatrice Mulauzi, 34 ng Hybrid road, Lusaka Kaunda Square , Zambia, lulan ng Ethiopian Airlines na lumapag sa NAIA terminal 3.
Natuklasan ang mga naturang illegal drugs sa kanyang bagahe matapos sumailalim sa X-ray scanning at nalaman na may 2 vacuum sealed plastic bag na naglalaman ng 9,276 gramo ng hinihinalang shabu na may standard deug price na aabot sa P63,076,800.00 ang halaga nito.
Kasalukuyan nasa kostudiya na ng NAIA PDEA ang datuhang suspect para sa karagdagang imbestigasyon at pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa kanya. | ulat ni Lorenz Tanjoco