Mahigpit na binabantayan ng Philippine National Police (PNP) ang paligid ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island, partikular na ang 6 kilometer radius extended danger zone.
Ito ay para ipatupad ang ‘No Human Activity’ policy na layuning tiyaking walang makababalik na mga residente na una nang inilikas dahil sa pangambang dulot nito.
Ayon sa PNP, aabot sa halos 400 pulis ang ipinakalat sa 6 kilometer PDZ para ipagbawal ang mga aktibidad sa paligid ng bulkan.
Buhat anila nang magsagawa ng force evacuation dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Kanlaon, wala pa namang naitalang untoward incident dito.
Pinuri rin ng PNP ang mga residente, dahil sa kanilang pakikiisa sa ikinasang paglilikas at maayos ding naipatupad ang pass control operations. | ulat ni Jaymark Dagala