Tatlo indibidwal, arestado sa pagbebenta ng iligal na mga paputok online, ayon sa PNP-ACG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti-Cybercrime Group ang tatlong indibidwal na nagbebenta ng ipinagbabawal na paputok sa iba’t ibang social media platform.

Ikinasa ang operasyon kasunod ng direktiba ni PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil na paigtingin ang cyber patrolling laban sa ilegal na bentahan ng mga paputok online.

Ayon kay PNP-ACG Spokesperson Lt. Wallen Arancillo, na naaresto ang mga suspek sa magkakahiwalay na entrapment operations sa Tondo, Maynila; Barangay East Bajac-Bajac, Olongapo City, Zambales; at Lapu-Lapu Avenue, Malabon City.

Nakumpiska ng mga operatiba ang mahigit 500 iligal na paputok na nagkakahalaga ng mahigit P14,000.

Nagbabala ang PNP sa publiko na iwasan ang pagbili ng mga iligal paputok online dahil ilegal ito at hindi dumaan sa tamang proseso. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us