Senador Bong Go, nanawagan ng mas maigting na information campaign tungkol sa Konsulta Package ng PhilHealth

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinimok ni Senate Committee on Health Chairman Senador Christopher ‘Bong’ Go ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na magsagawa ng komprehensibong education and awareness campaign tungkol sa Konsultasyong Sulit at Tama (Konsulta) Package nito.

Ginawa ng senador ang pahayag kasunod ng datos na nagpapakitang limang milyong Pilipino lang ang nag-avail ng Konsulta Package ng PhilHealth.

Kasabay naman nito ay nagpasalamat ang senador sa pagtataas ng PhilHealth ng budget para sa Konsulta Package ngayong taon – kung saan itinaas na sa P1,700 pesos ang coverage nito mula sa dating P500 pesos lang.

Sa ilalim ng Konsulta Package ng PhilHealth, pwedeng kumuha ang mga Pilipino ng Consultation, Health Risk Screening at Assessment, piling laboratory at Diagnostic Tests, at ilang mga gamot.

minumungkahi rin ni Go na damihan pa ng philhealth ang mga accredited health facilities na mag aalok ng Konsulta package lalo na sa mga grassroots communities. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us