DOLE, PEZA lumagda sa isang kasunduan para sa data sharing ng foreign employment sa mga ecozone

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nilagdaan ng Department of Labor and Employment o DOLE at Philippine Economic Zone Authority o PEZA ang isang kasunduan para sa data sharing ng mga dayuhang manggagawa sa mga economic zone sa bansa.

Layon ng nasabing agreement na gawing mas mabilis at epektibo ang proseso ng employment permits at PEZA visas, bilang bahagi ng ‘green lane initiative’ ng gobyerno.

Ayon kay DOLE Secretary Bienvenido Laguesma, layunin ng kasunduan na tiyaking patas ang labor standards at maprotektahan ang karapatan ng mga manggagawang Pilipino.

Sinabi rin ni PEZA Director General Tereso Panga na ito’y bahagi ng Philippine Labor and Employment Plan 2023-2028, na inaasahang magbibigay ng daan-daang libong trabaho, taon-taon.

Ang kasunduan ay nagtatakda ng maayos na pagbabahagi ng datos, kabilang ang mga detalye ng foreign nationals na may employment permits o visas, upang mapabuti ang proseso ng beripikasyon at regulasyon.

Present din sa isinagawang ceremonial signing ang ilang mga opisyal mula sa kapwa DOLE at PEZA. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us