Biyahe ng mga bus sa PITX patungong Bicol, fully booked na hanggang December 31

Facebook
Twitter
LinkedIn

Fully booked na ang mga biyahe ng bus mula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) patungong Bicol region hanggang Disyembre 31, sang-ayon na rin sa mga karatulang nakapaskil sa mga ticket booth sa terminal.

Ito’y kaugnay pa rin sa dagsa ng mga pasahero ngayong Kapaskuhan at Bagong Taon.

Ayon sa tala ng PITX, kabilang sa mga rutang puno na ang papuntang Legazpi, Tabaco, at Naga. Ilang extra trips na rin ang idinagdag ngayong Linggo, para matugunan ang mataas na demand.

Sa kabila nito, marami pa ring mga chance passengers ang naghihintay sa terminal ngayong Linggo, at nagbabakasakali na makauwi bago mag-Pasko.

Patuloy din ang paalala ng PITX na sundin ang mga security protocol sa terminal upang makaiwas sa abala.

Kahapon, tinatayang umabot sa higit 200,000 pasahero ang nagtungo sa terminal upang makauwi sa mga probinsya ngayong holiday season. | ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us