Mayroong “sustained police presence” na umiiral sa mga lugar na apektado ng trapiko ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Director Police Brigadier General Andre Perez Dizon, tumutulong ang kanilang mga tauhan sa Land Transportation Office (LTO) at Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagmamando ng trapiko.
Dagdag pa ni Dizon, nakipag-ugnayan din ang PRO 5 sa mga lokal na pamahalaan upang payagan ang mga na-stranded na pasahero na gamitin ang mga pampublikong palikuran sa mga tanggapan ng gobyerno.
Pinayagan din nila ang mga karinderya sa kahabaan ng mga apektadong kalsada, na magbukas ng mas mahabang oras upang tugunan ang pagkain at iba pang pangangailangan ng mga naipit sa biyahe. | ulat ni Diane Lear