Tuloy-tuloy ang pagbubuga ng abo ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island simula kaninang bago mag alas-12 ng tanghali.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) aabot sa 1.2 kilometrong taas ang ibinugang abo ng bulkan at napadpad sa direksyon ng Hilagang-Kanluran.
Naitala din ng PHIVOLCS ng mahihina pero mas madalas na mga paglindol sa lugar.
Hindi pa rin isinasantabi ang tsansa na magkaroon ng biglaang pagputok na magdudulot ng panganib sa komunidad.
Pinag-iingat ang publiko sa pamayanan ng Negros Occidental, hilagang-kanluran hanggang kanlurang bahagi ng bulkan dahil sa ashfall.
Paalala ng PHIVOLCS, nananatili pa ring nakataas ang Alert level 3 sa buong palibot ng bulkang kanlaon. | ulat ni Rey Ferrer