PNP, tiniyak na mayroong matatanggap na Service Recognition Incentives ang mga pulis ngayong 2024

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mariing pinabulaan ng Philippine National Police (PNP) ang kumakalat na mga pekeng dokumento tungkol sa umano’y hindi pagbibigay ng Service Recognition Incentives (SRI) sa mga pulis.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, kasalukuyang nasa proseso na ang pagbibigay ng SRI sa mga pulis at inaasahang ito ay ilalabas sa December 26.

Dagdag pa ni Fajardo, aabot sa P20,000 ang SRI ng bawat pulis, alinsunod na rin sa kautusan na inilabas ng Malacang, pero ito, aniya, ay nakadepende sa pondo ng bawat ahensya.

Pakinggan natin ang tinig ni PNP Spokesperson PBGen Jean Fajardo.

Nagpasalamat naman si Fajardo sa PNP leadership dahil may sapat na pondo ang PNP para maibigay ang buong halaga ng SRI, hindi katulad ng mga nakaraang taon na hindi naabot ang threshold na P20,000 dahil sa limitadong reserve funds. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us