LRT-2, magpapatupad ng shortened operations sa Bisperas ng Pasko at Bagong Taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Light Rail Transit Authority (LRTA) na magpapatupad ito ng shortened operations sa December 24 at December 31.

Ito ay upang bigyang-daan ang kanilang frontliners na makasama ang pamilya sa pagdiriwang ng Noche Buena at Media Noche.

Batay sa abiso ng LRTA, ang unang biyahe ng tren mula sa Antipolo at Recto Station ay alas-5 ng umaga sa December 24 at 31.

Habang ang huling biyahe ng tren mula Antipolo Station ay 8:00 PM ng December 24, at ang huling tren mula Recto Station ay aalis ng 8:30 PM.

Sa December 31 naman ang huling tren mula Antipolo Station ay aalis ng 7:00 PM at mula Recto Station ay 7:30 PM.

Hinikayat ng LRTA ang mga pasahero na planuhin ang kanilang biyahe upang maiwasan ang abala. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us