Binigyang pugay ng Department of National Defense (DND) ang mga Sundalong piniling tuparin ang kanilang mandato para sa bayan, matiyak lamang na ligtas at mapayapa ang pagdiriwang ng Pasko.
Ito ang tinuran ni Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr sa kaniyang mansahe ngayong Pasko.
Aniya, ngayong ipinagdiriwang ang pagsilang kay Kristo na simbolo ng pag-asa, dapat aniyang isaalang-alang ang mga biyayang natanggap at ipamahagi sa mga kababayang nangangailangan.
Himimok din ng Kalihim ang mga Pilipino na panatilihin ang diwa ng “Bayanihan” lalo’t marami sa mga kababayan ang nahaharap sa matinding pagsubok dala ng mga kalamidad.
Hiniling din ni Teodoro sa publiko na ipanalangin ang mga Kawal ng bayan na piniling bantayan gayundin ay protektahan ang kalayaan at kapayapaan sa kabila ng pagiging malayo sa kanilang pamilya.
Ang kanilang sakripisyo aniya ay magsisilbing paalala ng kanilang pagmamahal sa bayan at pagkaaisa lalo na sa panahong ito na humaharap ang bansa sa hamon ng seguridad at soberanya. | ulat ni Jaymark Dagala