“Generally peaceful” ang naging pagtatapos ng siyam na Simbang Gabi ngayong araw.Ito ay batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo, maayos na naidaos ang Simbang Gabi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Dagdag pa ni Fajardo, umabot na sa halos 40,000 pulis ang na-deploy sa mga strategic na lugar upang matiyak ang seguridad.
Samantala, tinututukan ngayon ng PNP ang pagbabantay sa mga pangunahing transportation hub, mall, night market, at iba pang establisyimento na inaasahang dadagsain ng mga tao ngayong Kapaskuhan. | ulat ni Diane Lear