PRO-3 Chief, tiniyak ang “zero tolerance” vs indiscriminate firing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahigpit na pinaalalahanan ni Police Regional Office 3 (Central Luzon) Director Brigadier General Redrico Maranan ang mga pulis, na iwasan ang ano mang uri ng indiscriminate firing ngayong Kapaskuhan, lalo na sa pagsalubong ng Bagong Taon.

Sa isang pahayag, sinabi ni Maranan na sino mang mapatutunayang sangkot sa pagpapaputok ng baril ay agad na aarestuhin at mahaharap sa mga kasong administratibo at kriminal.

Aniya, taon-taon ay may mga pulis na nasasangkot sa indiscriminate firing na nagiging sanhi ng mga aksidente at pagkasugat o pagkamatay dahil sa ligaw na bala.

Binigyang-diin ng hepe, na tungkulin ng mga pulis na tiyakin ang kaligtasan ng komunidad at maging huwaran ng tamang asal at disiplina.

Iginiit din niya na may ligtas na paraan ng pagdiriwang ng Bagong Taon.

Nanawagan din si Maranan sa publiko, na sumunod sa Republic Act 7183 o ang batas na nangangasiwa sa paggamit ng mga paputok.

Hinimok din niya ang mga lokal na pamahalaan, na mahigpit na ipatupad ang “firecracker zones” upang maiwasan ang mga aksidente, lalo na sa mga bata. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us