Naging matiwasay ang pagtatapos ng tradisyunal na Simbang Gabi sa Quezon City, ayon yan sa Quezon City Police District.
Ayon kay QCPD Chief PCol Melecio Buslig Jr., walang anumang naitalang untoward incident sa siyam na novena masses na idinaos mula December 16 hanggang December 24.
Kasunod nito, pinuri ng QCPD Chief ang mga pulis sa tagumpay ng deployment para sa simbang gabi.
Nagpasalamat din ito sa suporta ng QC-LGU lalo na ang tulong ng mga force multipliers, DPOS, TTMD at pati na rin ng mga Barangay Tanods sa pagpapanatili ng maayos at mapayapang pagdiriwang ng Simbang Gabi. | ulat ni Merry Ann Bastasa