Tiniyak ng Quezon City Police District (QCPD) ang mahigpit na pagpapatupad ng batas sa paggamit ng mga ipinagbabawal na paputok sa lungsod.
Ito ay para matiyak ang isang ligtas at mapayapang pagdiriwang ng Holiday Season.
Ayon sa QCPD, nakipagtulungan na ito sa Quezon City Local Government Unit (QC-LGU) para ipatupad ang mga regulasyon sa ilalim din ng QC Ordinance kung saan ang mya mahuhuling lalabag ay maaaring mapatawan ng mga sumusunod na parusa:
• Pagbebenta Nang Walang Pahintulot: Multa na ₱1,000 o pagkakakulong ng hanggang 3 buwan (o pareho), at posibleng pagkansela ng business permit.
• Paggamit Nang Walang Pahintulot: Multa na ₱3,000 o pagkakakulong ng hanggang 6 buwan (o pareho).
• Paggawa Nang Walang Pahintulot: Multa na ₱5,000 o pagkakakulong ng hanggang 1 taon (o pareho).
Mahigpit na nagbabawal din ang pagbebenta o pagbibigay ng paputok sa mga menor de edad kung saan ang mga lalabag ay mahaharap sa multang ₱5,000 o pagkakakulong ng hanggang 1 taon (o pareho).
Kaugnay nito, magde-deploy ang QCPD ng mahigit 1,200 personnel at 2,203 force multipliers sa mga mall, transport hubs, parke, at iba pang lugar na madalas puntahan ng tao para.
Mayroon ding 22 community firecracker zones at 2 fireworks display areas sa Quezon City na mahigpit na babantayan para sa kaligtasan ng publiko. | ulat ni Merry Ann Bastasa