Pagdiriwang ng Bisperas ng Pasko, naging “generally peaceful,” ayon sa PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na “generally peaceful” ang naging pagdiriwang sa Bisperas ng Pasko o Christmas Eve sa buong bansa.

Ayon sa PNP, walang naitalang anumang insidente ng karahasan sa pagsalubong ng Pasko, kasama na ang siyam na araw ng Simbang Gabi.

Tinututukan din ng PNP ang mga matataong lugar gaya ng mga mall, pasyalan, at simbahan, at iba pang estratehikong lokasyon.

Tiniyak naman ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng PNP sa buong bansa, at hindi ito magbababa ng seguridad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us