DILG Sec. Remulla, pinuri ang PNP kasunod ng naitalang zero untoward incident sa pagdiriwang ng Kapaskuhan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang Philippine National Police (PNP) sa tagumpay nitong masiguro ang isang ligtas at payapang selebrasyon ng Pasko sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ng kalihim na nagresulta sa zero untoward incidents noong bisperas ng Pasko ang deployment ng PNP ng humigit-kumulang 40,000 pulis.

Kasunod nito, patuloy namang hinikayat ng kalihim ang PNP na panatilihin ang kanilang heightened security measures, lalo na sa harap ng deklarasyong “no holiday ceasefire” ng Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Suportado naman aniya ng kalihim ang PNP at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa desisyon na hindi magdeklara ng Suspension of Offensive Police Operations (SOPO) at Suspension of Offensive Military Operations (SOMO) para mapanatili ang kapayapaan at maiwasan ang anumang banta sa panahon ng holiday.  | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us