Mga kandidato sa BSKE na magbabayad ng “campaign tax” ng NPA, binalaan ni PNP Chief

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inabisuhan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga kandidato sa darating na Baranggay at Sanguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag magbibigay ng pera sa NPA.

Sa pulong balitaan sa Camp Crame ngayong umaga, sinabi ng PNP Chief na tradisyunal na sinasamantala ng NPA ang eleksyon para makakolekta ng “permit you campaign” fee at “permit to win” fee sa mga kandidato.

Paalala ng PNP Chief, ang pagbibigay ng pera o anumang material na suporta sa NPA, na isang teroristang organisasyon, ay itinuturing na “terrorist financing”.

Babala ng PNP Chief, ang mga mapatunayang sangkot sa iligal na aktibidad na ito ay maaring kasuhan sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

Dagdag ng PNP Chief, kung isang incumbent Barangay o SK official ang magbibigay ng pera sa NPA, may karagdagan silang paglabag na “willful disloyalty to their Oath of Office”. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us