Panibagong virus umano galing Tsina, fake news—Chinese Embassy

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tinawag na fake news ng Embahada ng Tsina ang kumakalat na balita sa social media hinggil sa isang panibagong virus, na posibleng muling magdulot ng pandemic.

Ayon sa isa sa mga opisyal ng Viber Group ng Chinese Embassy na si Tom Wu – peke ang nasabing balita, subalit hindi na ito nagbigay ng ano pang detalye.

Matatandaang putok na putok ngayon ang balita na may panibagong sakit ang nagsisimula nang kumalat sa Tsina at posibleng magdulot ng isa na namang pandemya.

Una naman nang itinanggi ng Department of Health ang nasabing impormasyon at sinabing wala pang kinukumpirma ang World Health Organization hinggil sa naturang balita. | ulat ni Lorenz Tanjoco

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us