Mahigit 1,300 pulis mula Central Luzon, ipinadala para umalalay sa Traslacion 2025

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa na ang Police Regional Office 3 (Central Luzon) para umalalay sa National Capital Region Police Office (NCRPO).

Ito’y para tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga deboto ng Poong Hesus Nazareno para sa Traslacion 2025 bukas.

Ayon kay Police Regional 3 Director, Police Brigadier General Redrico Maranan, partikular na ipinakalat ang kanilang mga tauhan sa Quirino Grandstand para sa tradisyunal na pahalik.

Nakabantay din ang ilang mga tauhan ng PRO3 sa iba’t ibang entry at exit points sa Metro Manila.

Una nang tiniyak ng PNP, na bagaman walang nakikitang seryosong banta, buo pa rin ang kanilang pagbibigay suporta sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa paglalatag ng seguridad. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us