Naglatag ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mga paalala para sa isasagawang Traslacion bukas sa Huwebes.
Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Anthony Aberin, epektibo na kaninang ng alas-7 ng umaga ang liquor ban sa 500-meter radius sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church hanggang alas-7 ng umaga sa Jan. 10.
Umiiral na rin ang gun ban sa buong Maynila simula kaninang alas-12:01 ng hatinggabi, January 8 hanggang alas-12:01 ng January 11.
Suspendido rin ang permit to carry firearms outside residence sa lungsod simula alas-12:01 kaninang hatinggabi hanggang alas-12:01 ng hatinggabi ng January 11.
Ipatutupad din ang “no fly zone at no drone zone” sa bisinidad ng Quirino Grandstand at Quiapo Church, gayundin sa lahat ng ruta ng Traslacion mula ngayong araw hanggang Janaury 10.
Kasado na rin ang ‘no sail zone’ sa vicinity waters ng South Harbor sa Maynila, malapit sa Quirino Grandstand at sa Pasig River sa kaparehong mga araw. | ulat ni Lorenz Tanjoco