Bahagyang humupa ang aktibidad ng Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), wala itong naitalang pagbuga ng abo sa bulkan bagamat mayroong 15 volcanic earthquake o mga pagyanig.
Bumaba rin sa 2,029 tonelada ng asupre o sulfur dioxide ang ibinuga ng bulkan bagamat nananatili pa rin ang pamamaga ng bulkang Kanlaon.
Sa kasalukuyan, nakataas pa rin ang Alert level 3 sa bulkan kung saan pinalilikas ang mga nakapaloob sa 6-kilometer radius mula sa tuktok nito. | ulat ni Merry Ann Bastasa