Umaabot sa 288 na mga pulis ang dineploy ng Philippine National Ploice (PNP) sa unang distrito ng Samar na binubuo ng Lungsod ng Calbayog, Bayan ng Gandara, at Sta. Margarita (CAGASMA) para sa paghahanda sa nalalapit na local at national elections sa Mayo.
Isinagawa ang opisyal na deployment sa pamamagitan ng Regional Special Operations Task Group-Leyte Samar (RSOTG-LEYSA) send-off ceremony kahapon, Enero 9, sa Calbayog Convention Center.
Ayon kay Deputy Provincial Director for Operation Police Lieutenant Colonel Michael Jude Dotingco, ang deployment ng mga kapulisan ay binuo base sa tatlong mandato – readiness, responsibility, at resilience para masiguro ang mapayapang pagtalima ng democratic process.
Pahayag pa niya, na ang mga pulis ay isang mahalagang puwersa sa pagprotekta sa karapatan ng bawat indibidwal na bumoto.
Samantala, binigyang diin naman ni Deputy Regional Director for Operations at RSOTG LEYSA Commander Police Colonel Dennis Jose Llavore, na ang muling pagbuo ng RSOTG ay nagpapakita ng testimonya sa kanilang kapasiyahan para sa pagtitiyak ng patas, makatarungan, at mapayapang halalan. | ulat ni Suzette Pretencio, Radyo Pilipinas Calbayog