Naging matagumpay at payapa ang padiriwang ng Traslacion 2025.
Ito ang naging assessment ng Philippine National Police (PNP) sa isinagawang Traslacion ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief General Rommel Francisco Marbil, bagamat nagkaroon ng bahagyang tensyon sa prusisyon nang subukan ng ilang deboto na buwagin ang barikada, agad namang naayos ang sitwasyon at maayos na naituloy ang prusisyon.
Wala rin umanong naitalang mga “major untoward incident.”
Dahil dito, pinuri ni Marbil ang mga pulis na nagbigay ng seguridad sa Traslacion.
Sa kabila ng mga hamon, ipinakita aniya ng mga pulis ang kanilang dedikasyon sa kanilang tungkulin. | ulat ni Diane Lear