Traffic management plan para sa gaganaping INC National Rally for Peace, sa Quirino Grandstand, inilabas ng MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inilatag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang traffic management plan para sa nalalapit na National Peace Rally ng Iglesia Ni Cristo (INC) sa Quirino Grandstand sa Maynila sa Lunes, January 13, 2025.

Sa pulong balitaan sa Pasig City, sinabi ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, inaasahang mahigit isang milyon ang dadalo mula sa iba’t ibang probinsya.

Kabilang sa mga paghahanda ang pagsasara ng ilang lansangan sa paligid ng Luneta, at ang inaasahang pagpaparada ng nasa 15,000 sasakyan sa mga kalye ng Maynila hanggang Pasay.

Bilang tulong, magpapadala ang MMDA ng 1,300 na tauhan sa naturang pagtitipon.

Nagtalaga rin ang MMDA ng emergency lanes sa Katigbak at South Drive para sa mga emergency vehicles. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us