Pagbaba ng unemployment at underemployment rate noong Nobyembre, isang positibong resulta ng pagsusumikap ng pamahalaan—Speaker Romualdez

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ikinalugod ni Speaker Martin Romualdez ang naitalang pagbaba sa bilang ng kawalan ng trabaho sa bansa noong Nobyembre 2024.

Batay sa preliminary data ng Labor Force Survey ng Philippine Statistics Authority bumaba sa 3.2% ang mga Pilipino na walang trabaho noong Nobyembre kumpara sa 3.9% noong Oktubre.

Bumaba rin ang underemployment rate sa 10.8% mula sa 12.6%.

Giit niya na indikasyon ito na epektibo ang ipinapatupad na polisiya ng administrasyong Marcos dahil lumalakas ang ekonomiya ng bansa kaya nagkakaroon ng oportunidad sa trabaho.

“The right economic policies are driving our growth and generating jobs for jobless Filipinos. We are happy for those who have found employment and who are working longer hours than before,” saad niya.

Hinimok naman niya ang mga hindi pa nakakahanap ng trabaho na kumuha ng training at retooling courses sa TESDA.

Patuloy din naman aniya ang pamahalaan sa pagkakasa ng mga programa para umagapay sa mga walang trabaho o kulang ang kita, gaya ng AKAP, AICS, at TUPAD sa ilalim ng DSWD at DOLE.

“For those who remain unemployed, the government has various programs to help them. We hope that as the economy grows and create more jobs, they would eventually find employment,” saad pa niya.

Pagsiguro naman ni Romualdez na tutulong ang Kongreso para maipagpatuloy at mapalakas pa ang programa ng pamahalaan para mapalago ang ekonomiya at magkaroonng mas maraming trabaho. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us