Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Pasig na ilulunsad na muli ang online registration para sa Special Program for Employment of Students (SPES) sa lungsod.
Ayon sa Pasig City Government, bubuksan ang registration para sa out-of-school youth na may edad 15 hanggang 30 taon sa June 5, araw ng Lunes.
Dalawandaang slots ang ilalaan para sa batch ng SPES, ngunit sasailalim pa ang mga aplikante sa screening at evaluation.
Ipinaalala ng Public Information Office, na tanging ang mga makakapasa ang kokontakin ng Pasig City Public Employment Service Office, at bibigyan ng prayoridad ang first time applicants.
Sakaling mayroong hindi makapasa sa screening, dadaan sa assessment ang mga aplikante na lampas sa ika-dalawandaan.
Sa ilalim ng programa, oobligahin ang SPES interns na mag-report sa Pasig City Hall mula Lunes hanggang Biyernes, 8 AM hanggang 5PM. | ulat ni Hajji Kaamiño