Natanggap na ng mga mag-aasukal na naapektuhan ng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Inc. (CADPI) sa Batangas ang tulong pinansyal.
Bunsod na rin ito ng pakikipag-ugnayan ng Gabriela Party-list sa Office of the House Speaker.
Tinatayang nasa 770 sugar farmers ang nakatanggap ng P10,000 bawat isa o katumbas ng P30,000 kada sugar farmer family sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Inaasahan na may susunod na batch pa na makatatanggap din ng tulong.
Patuloy naman ang panawagan ni Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, na pagpaliwanagin at panagutin ang pamunuan ng CAPDI sa biglaan nitong pagsasara noong Disyembre na maaari pa aniyang ituring bilang economic sabotage. “We will continue to demand answers on the sudden closure of CADPI, which is owned by Roxas Holdings Inc., apparently resembles economic sabotage. Hindi pwedeng basta na lang palampasin yung pagsasara ng sugar mill habang libu-libong pamilya sa Batangas ang walang katiyakan kung paano makakain sa mga susunod na araw,” saad ni Brosas. | ulat ni Kathleen Forbes