Halos 300k MT ng palay, maagang naani ng mga magsasaka dahil sa Bagyong Betty — DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa halos 300,000 metriko tonelada ng palay ang maagang naani ng mga magsasaka kasunod ng inisyung abiso ng Department of Agriculture bago pumasok ang bagyong Betty sa bansa.

Ayon sa DA, karamihan ng mga naaning palay ay mula sa mga rehiyon ng CAR, I, II, Ill, at maging ang Bicol region.

Sa kabuuan ay may katumbas na ₱4.84 bilyon ang halaga ng naaning produksyon ng palay sa mga naturang rehiyon.

Samantala, nasa halos 7,000 ektarya rin ng mga pananim na mais ang maagang naani sa CAR, I, Il, Ill, at V na may katumbas namang produksyon na 34,954 metriko tonelada at nagkakahalaga ng ₱709 milyon.

Sa ngayon, ay hinihintay pa naman ng DA ang assessment report mula sa mga LGU hinggil sa naging epekto ng bagyong Betty sa agri at fisheries sector.

Una na ring tiniyak ng DA na nakalatag na ang mga intervention nito para sa mga magsasaka at mangingisdang maapektuhan ng bagyo kabilang ang Survival and Recovery o Sure Assistance Program ng Agricultural Credit Policy Council (ACPC) at Quick response fund. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us