Higit 600 na mga pamilya sa Pagadian City, nagtapos sa 4Ps ng DSWD

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng Pagadian at ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang programa para sa pagtatapos ng 689 na mga pamilya mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ginanap ang aktibidad sa Plaza Luz Covered Court, Pagadian City na tinaguriang “4Pista ng Tagumpay: Pantawid Pamilya Graduation Ceremony”.

Dumalo sa programa si Mayor Sammy Co kasama ang iba pang mga lokal na opisyal ng Pagadian at nagbigay din ang alkalde ng mensahe ng pasasalamat sa tanggapan ng DSWD para sa tulong na nagawa nito sa mga benepisyaryo ng naturang programa ng gobyerno.

Sa huling bahagi ng programa ay mamahagi rin ng 25 kilo ng bigas ang lokal na pamahalaan ng Pagadian para sa bawat pamilyang benepisyaryo na nakapagtapos sa nasabing programa .| ulat ni Bless Eboyan| RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us